Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH


Krimeng-Imprenta


salin mula sa gawa ni Cory Doctorrow


     Winasak ng mga pulis ang printer ng aking Tatay ng ako'y walong taong gulang pa lamang. Na-aalala ko pa ang mainit na amoy nito, mistulang amoy ng film na nasa loob ng microve nito, ang tingin ni Da na may mabangis na konsentrasyon habang pinupuno niya ito ng bagong malaputik at ang mainit at bagong lutong pakiramdam ng mga bagay-bagay na lumalabas mula sa printer.

      Pumasok ang mga pulis na may winawagayway ng batuta habang sinasabi nila ang nilalaman ng mga warrant mula sa megaphone. Isa sa mga kliyente ni Da ang nagkanulo sa kaniya. Nagbabayad ang mga i-pulis sa pamamagitan ng mga matataas na bisang mga droga - drogang nagpapagaling sa larangan ng palakasan, drogang nakakapagmatandain, drogang nagpapabilis ng metabolismo ng tao. Mga bagay-bagay na mamahalin kung bibilihin mo lamang sa botika, mga bagay na maaari mong iimprenta sa bahay yung di mo iintindihin ang peligrong ang iyong kusina ay biglaang mapupuno sa pagpasok ng mga malalaki at matitipunong mga katawan at matitigas na batuta na pumipito sa hangin habang tinatamaan kung sino-sino at kung ano-ano na nakaharang sa pagpalo nito.

      Winasak nila ang baul ni Lola na binili nya pa sa bayang kanyang pinagmulan. Winasak nila ang munti naming ref at ang purifier na nasa bintana. Ang aking tweetybird ay naligtas sa kamatayan dahil nakapagtago ito sa kanto ng kanyang hawla habang isang malaking bota ang wumasak sa halos lahat ng hawla at ang natira na lamang ay ang nakapanlulumong palupot ng printer-wire.

      Si Da. Kung ano ang ginawa nila sa kanya. Nang matapos siya, mukha siyang nakipagsuntukan sa isang rubgy team. Nilabas nila siya sa pinto at pinabayaang makita ng mga reporter habang ihinahambalos papasok ng kotse. Nangyari ito habang may isang tagapagsalita na isinisiwalat sa buong mundo na ang ilegal at mala-mafiang operasyon ng aking Da ang pinagmulan ng halos 20 milyong halaga ng epektus, na ang aking Da ay isang buhong na pumalag sa pagka-aresto.

      Nakita kong lahat ito sa aking phone, habang ako'y nakaupo sa sala, pinapanood sa screen at nagtataka kung papaanong ang aming maliit na kwarto, ang aming walang kwentang pag-aari ay mapagkakamalan na isang lugar na isang hari ng isang mala-mafiang operasyon. Kinuha nila ang printer, at syempre, ibinandera na parang tropeo sa mga reporter. Ang maliit na grotto sa munti naming kusina ay nagmistulang malungkot na espasyo. Nang magising ako at inayos ang kuwarto at sinagip ang aking kawawang tweetybird may nilagay akong blender doon. Gawa ito sa mga parte inimprenta at tatagal lamang ng isang buwan bago ako ay mangangailangan na naman ng bagong bearings at mga parte nitong gumagalaw. Kahit noon pa, kaya kong magbaklas at magbuo ng kahit na anong bagay na iniimprenta.

      Nang ako ay labingwalong gulang na, handa na silang palabasin si Da mula sa bilangguan. Binisita ko siya ng tatlong beses - sa aking pang-sampung kaaarawan,sa kanyang pang-singwenta na kaaarawan at ng mamatay si Ma. Dalawang taon din ang nakalipas mula ng huli kong makita siya at hindi ayos ang naging kalagayan niya. Isang away sa bilangguan ang nagbigay sa kanya ng pilay at palagi na siyang lumilingon sa kanyang likod at para na tuloy siyang may pitik. Nahihiya ako ng hinatid kami ng taxi sa harapan ng aming bahay at sinubukan kong lumayo sa kanya habang ang kanyan durog at sumusuray na mala-kalansay na katawan ay pumasok sa pinto at umakyat sa hagdanan.

      "Lanie," bukambibig niya habang kami ay naka-upo. "Matalino kang babae, alam ko yan. Alam mo ba kung saan maaaring makakuha ang iyong Da ng isang printer at kaunting malaputik?"

      Itinikom ko ng sobrang diin ang aking mga kamao na ang aking mga kuko ay sumugat na sa aking mga palad. Ipinikit ko ang aking mga mata. "Nasa bilangguan ka ng sampung taon, Da. Sampu. Taon. Mamarapatin mo bang harapin ulit ang peligrong mabilanggo ng sampu na namang taon para lamang makapag-imprenta ng mga blender, mga droga, mga laptop at ng mga designer hat?"

      Ngumisi siya. "Hindi ako estupido Lanie. Natuto na ako ng aking leksyon. Walang designer hat o laptop na sobrang halaga na papasok ulit ko sa bilangguan. Hindi na ako mag-iimprenta ng mga bagay-bagay na walang katuturan." Meron siyang isang tasa ng tsaa at ininom niya itong parang whisky, isang higop at pagkatapos ay huminga, palabas, mahaba at kontento. Pumikit siya at sumandal sya sa upuan.

      "Halika, Lanie, may ibubulong ako sa iyo. sasabihin ko sa iyo kung ano ang napagdesisyunan ko habang ako ay nasa bilangguan ng sampung taon. Halika at makinig ka sa estupido mong Da."

      Sumama ang aking loob na napikon si Da sa akin. Malinaw na hindi na siya nakaupo mula sa kanyang silya-uguyan. Alam ng Diyos kung ano ang dinanas niya sa loob ng bilangguan. "Ano po yun, Da?" tanong ko sa kanya habang lumalapit sa kanya.

      "Lanie, mag-iimprenta akong ng mas maraming printer. Maraming maraming printer. Isang printer parang sa bawat isang tao. Para diyan, mamarapatin kong bumalik sa bilangguan. Karapatdapat kung gawin yan anuman ang halaga."

- salin ni Paul "The Pageman" Pajo

ang salin na ito ay na-BoingBoing isang araw mula ng aking inilathala ang salin na ito dito sa Multiply.

thenighteater wrote on Aug 24, '08
wow. you got boing boinged.
pageman wrote on Aug 24, '08
Boingboing'd
wow. it's my first BoingBoing evar! thanks for the heads up! :)
skyllo01 wrote on Aug 25, '08
pageman said
wow. it's my first BoingBoing evar! thanks for the heads up! :)
welcome!!
pageman wrote on Mar 26, '09
wow. you got boing boinged.
time for another one. hahaha
ibhevv wrote on Sep 27, '09
NICE :)
Add a Comment